MANILA, Philippines — Pormal nang humiling ang Pamahalaan ng Estados Unidos sa Pilipinas ng extradition ni Pastor Apollo Quiboloy upang harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya sa U.S., ayon sa mga opisyal ng pamahalaan.
Kinumpirma ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez na naipadala na ng U.S. government ang opisyal na extradition request sa pamamagitan ng diplomatic channels. Natanggap ito ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ipinasa sa Department of Justice (DOJ), na siyang mangangasiwa sa legal na proseso.
Ano ang Susunod na Mangyayari?
Bagama't pormal na ang kahilingan ng Estados Unidos, hindi pa ito nangangahulugan na agad na ililipat si Quiboloy sa U.S.
Sa ilalim ng umiiral na extradition treaty sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, kinakailangang dumaan muna ang kahilingan sa pagsusuri ng DOJ at sa kaukulang proseso sa mga korte bago magkaroon ng pinal na desisyon kung papayagan ang extradition.
Nasaan si Quiboloy Ngayon?
Sa mga nagtatanong ng "where is Quiboloy now 2026", si Pastor Apollo Quiboloy ay nakakulong sa Pasig City Jail habang nagpapatuloy ang pagdinig sa mga kasong isinampa laban sa kanya sa Pilipinas. Hindi pa siya naililipat sa Estados Unidos dahil kailangan munang matapos ang mga legal na proseso sa bansa at pagdesisyunan ng mga korte ang kahilingan para sa extradition.
Bakit Nakadetine si Quiboloy sa Pilipinas?
Marami ang nagtatanong ng "bakit nakulong si Quiboloy?"
Sa Pilipinas, si Quiboloy ay nahaharap sa mga kasong kriminal na kinabibilangan ng:
● Qualified Human Trafficking sa ilalim ng Anti-Trafficking in Persons Act (RA 9208, as amended);
● Child Abuse sa ilalim ng Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act (RA 7610), kabilang ang mga alegasyon ng sexual abuse sa menor de edad;
Ang mga kasong ito ay isinampa ng Department of Justice matapos ang imbestigasyon at kasalukuyang dinidinig ng mga korte. Wala pang pinal na hatol sa mga kasong ito.
Bakit Humihiling ng Extradition ang Estados Unidos?
Ang US government ay humihiling ng extradition upang harapin ni Quiboloy ang mga patong-patong na mga kasong isinampa laban sa kanya sa isang federal court sa California.
Kabilang sa mga kasong nakasaad sa U.S. indictment at FBI ang:
● Conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud, and coercion;
● Sex trafficking of children;
Sex trafficking by force, fraud, and coercion;
● Marriage fraud;
● Visa fraud;
● Money laundering;
● Bulk cash smuggling; at
● Conspiracy kaugnay ng mga nabanggit na alegasyon.
Dahil sa mga kasong ito, isinama si Quiboloy sa FBI Most Wanted List noong mga nakaraang taon. Itinanggi naman ni Quiboloy ang lahat ng alegasyon laban sa kanya.
Extradition Hindi Pa Awtomatiko
Bagama't pormal nang naghain ng extradition request ang Estados Unidos, hindi ito nangangahulugang agad siyang ililipat sa U.S.
Ayon sa mga opisyal ng pamahalaan, dadaan pa ang kahilingan sa pagsusuri ng Department of Justice at sa pag-apruba ng mga korte sa Pilipinas. Sa pangkalahatan, ang isang akusado ay kailangang harapin muna ang kanyang mga kaso sa Pilipinas bago maisakatuparan ang extradition, maliban kung may ibang kautusan ang hukuman alinsunod sa umiiral na batas at extradition treaty.
Topic: National
Read More:
Tags
National
